Ayon kay Supt. Victor Ronquillo, hepe ng Caloocan City Traffic, ang mga sasakyang magmumula sa Rizal Ave. patungo sa Mc Arthur H-way, Malabon at Navotas ay kailangan na lumiko ng kanan sa 10th Ave. kaliwa ng A. de Jesus St. upang makalabas ng EDSA; kanan naman ng Gen. Simon St; kaliwa ng Calle Uno o Calle 4 patungo naman sa kanilang mga destinasyon.
Ang mga sasakyan naman na nanggaling ng EDSA patungo ng Maynila ay kailangang kumaliwa sa B. Serrano St., kanan ng 10th Avenue at kumaliwa sa Rizal Avenue Extension habang ang patungo naman ng Malabon-Navotas at McArthur Hi-way ay inatasan namang kumanan sa General Simon St. tungo sa Calle Uno kaliwa sa Araneta Avenue o J.P. Bautista St. patungo sa Samson Road hanggang sa makarating sila sa destinasyong patutunguhan.
Sinabi naman ni Caloocan Mayor Reynaldo Malonzo na may mga kaukulang impormasyon at signal na ipapaskil sa bawat intersection upang mabigyang kaalaman ang mga motorista na dadaan sa anumang lugar sa naturang lungsod.
Sa nasabing okasyon, magkakaroon ng taunang parada na lalahukan ng mga lokal na opisyal sa pamumuno ni Malonzo; NGOs, religious groups at sangay ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga Fire volunteers.
Tampok din sa nasabing okasyon ang pagbibigay pugay at galang sa mga Bandila ng mga Katipunero na unang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay sa pamahalaang Kastila upang makamtan ang Inang Bayang Pilipinas. (Ulat ni Gemma Amargo)