Si Angelita Moreno, 47, ng Paradise Village, Barangay Tonsuya, Malabon ay matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad bunga na rin ng kaso nitong large scale estafa.
Ayon kay Supt. Gene Ines Abrajano, ng CIDGG-NFO si Moreno ay nahaharap sa siyam na kaso ng swindling cases sa ibat ibang korte sa Malabon at apat na warrant of arrest. Isa dito ay walang piyansanng inirekomenda ang korte.
Ang pagkakadakip kay Moreno ay bunga na rin ng surveillance na isinagawa sa pangunguna ni Sr. Insp. Lito Palaruan at SPO4 Jaime Acido.
Subalit ang lahat ng akusasyon ay pinasinungalingan ni Moreno sa pagsasabing hindi niya alam ang kanyang pagkakasangkot dito.
Sa ilalim ng memorandum ng agreement sa Civilian Volunteers Against Crime (CVAC) inoobliga ang mga residente at miyembro nito na imonitor at ireport ang anumang kriminalidad sa kanilang komunidad partikular ang mga ilegal na droga at panloloko. (Ulat ni Pete Laude)