^

Metro

P50M solid gold jewelry nasabat mula sa kawani ng PAL

-
Nakasamsam kahapon ang mga naka-alertong tauhan ng Bureau of Customs ng tinatayang P50 milyong halaga ng assorted solid gold jewelry makaraang madakip ang isang kawani ng Philippine Airlines na nagtangkang ipuslit ang highly-taxable items sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni Atty. Lina Molina, ang bagong hirang na Deputy Collector ng Arrival Passengers Services sa premier airport, ang suspect na si Rodolfo Vicente, 52, nagsisilbing flight parcel ng PAL na nakatalaga sa NAIA.

Ayon kay Molina, dakong ala-1:30 ng hapon nang dumating si Vicente sa bansa lulan ng PAL flight PR-502 mula sa Singapore.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ni Customs Sector Commander Mariano Biteng, kasalukuyang papalapit si Vicente sa Customs lane nang maghinala ito sa hindi pangkaraniwang ikinikilos ng suspect.

"Paika-ika at parang nahihirapang maglakad ang pasahero na makikita mong namumutla," ani Biteng.

Bunsod ng hinalang may nilalamang kontrabando ang bagahe ni Vicente, hiniling ni Biteng kina Customs Examiner Baldwin Budiongan at Customs Appraiser Lenny dela Roca na ipasailalim sa masusing pagsusuri ang mga ito.

Namangha ang mga awtoridad nang buksan ang flight bag nito at tumambad sa kanilang paningin ang 9 na bundles na naglalaman ng solid gold jewelry, habang nakuha namang nakatago sa katawan nito ang 7 pang bundles ng mga gintong alahas.

Tinatayang nagkakahalaga ng P50 milyon ang mga nasamsam na iba’t ibang uri ng gintong alahas mula sa suspect na tinangkang ipuslit palabas ng NAIA Centennial Terminal 2.

Nabatid pa na si Vicente ay pinaniniwalaang isa lamang sa maraming upahang "courier" ng big-time jewelry syndicate na naatasang magpuslit ng multi-milyong halaga ng highly-taxable items. (Ulat ni Butch Quejada)

ARRIVAL PASSENGERS SERVICES

BITENG

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CENTENNIAL TERMINAL

CUSTOMS APPRAISER LENNY

CUSTOMS EXAMINER BALDWIN BUDIONGAN

VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with