^

Metro

Lacson, humirit pa sa kaso ng 'Kuraratong'

-
Iginiit kahapon ng mga akusado sa kasong ‘Kuratong Baleleng ‘ na sina Senator-elect Panfilo Lacson, Gens. Francisco Zubia at Reynaldo Acop sa Quezon City Regional Trial Court na pigilan ang pagdakip sa kanila kaugnay sa naturang kaso.

Sa petisyon ni Lacson sa sala ni Judge Teresa Yadao ng branch 81 na iniharap ng Fortun- Narvasa Law Office, hiniling ng mga ito sa korte na huwag munang magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanilang kliyente dahil sa hindi pa natatapos ang naturang kaso sa Court of Appeals.

Halos ganito rin ang iniharap na petisyon ng mga abugado nina Acop at Zubia sa sala naman ni QC-RTC Judge Monina Zenarosa.

Binanggit naman ng tanggapan ni Judge Zenarosa na ang petisyon nina Acop at Zubia ay nasa poder na ni Judge Yadao, ang orihinal na may hawak ng Kuratong Baleleng case.

Ayon naman kay Atty. Sharon Avila, buhat sa sala ni Judge Yadao na pag-aaralan pa nilang mabuti ang petisyon ng mga akusado, subalit kapag nakakita sila ng probable cause base sa mga bagong iniharap na ebidensiya ay maaari na silang maglabas ng warrant para dakpin ang mga akusado.

Huli na umano ang apela ng mga akusado dahil nakapag-desisyon na ang komite ng QC Court of Appeals na i-raffle na ang kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)

COURT OF APPEALS

FRANCISCO ZUBIA

JUDGE MONINA ZENAROSA

JUDGE TERESA YADAO

JUDGE YADAO

JUDGE ZENAROSA

KURATONG BALELENG

NARVASA LAW OFFICE

PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with