'Rolando Navarette' nabagok todas

Nasawi makaraang madulas at mabagok ang ulo sa semento si Rolando Navarette sa loob ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Matinding pagkabagok ang tinamo ni Navarette (hindi ang sikat na boksingero) na residente ng Morning Breeze Subdivision ng nabanggit na lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jaime Basa, may hawak ng kaso dakong alas-10 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng nasawi ng kanyang kapatid na si Carmelita Nival.

Wala namang makitang palatandaan ang pulisya na may foul play sa pagkamatay nito, kundi maaaring nadulas at nabagok lamang ito.

Gayunman, isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments