^

Metro

Utak sa Bacalla kidnap-slay, 3 pa tiklo

-
Tuluyan nang nalutas kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong pagdukot at pagpaslang sa anak ng dating QC RTC Judge Marciano Bacalla na si Mark Harris Bacalla, makaraang maaresto at sampahan na ng kaso ang utak at tatlo pang kasamahan nito sa naganap na karumal-dumal na krimen.

Sa isang press conference, kinilala ni Justice Secretary Hernando Perez ang mga prinisintang suspect na si Onofre Surat, 38, may-ari ng CBR (Club, Bar, Restaurant) sa Lagro, Fairview, Quezon City at residente ng Sampaloc, Manila; ang asawa nitong si Edna Surat; Rodrigo Catungal, 22; at Jerro Garcia, 22, na pawang mga nagtatrabaho sa CBR.

Binanggit ni Perez na ang mga nabanggit na suspect ang responsable sa pagdukot at pagpatay sa biktimang si Mark Bacalla sa kabila na ang kanyang amang si Judge Bacalla ay kumpadre ng mag-asawang Surat.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng NBI na noon pang Mayo 2, 2001 ay nagplano na ang mga suspect na dukutin ang batang Bacalla upang humingi ng ransom.

Nauna dito, inimbitahan ng mga suspect ang biktima sa isang birthday party na gagawin umano sa CBR. Inabot hanggang ala-1 ng madaling araw ang kasayahan at nagmagandang-loob pa umano si Surat na ihahatid na lamang ang biktima sa kanilang tahanan gamit ang Honda Civic na sasakyan ni Bacalla.

Sa pagbibiyahe pa lamang ay pilit na itinatali nina Catungal at Garcia ang biktima subalit nagpupumiglas ito hanggang sa mapatay sa gulpi.

Sinabi ni Surat na hindi nila intensyon na mapatay ang biktima, pinipilit pa nila itong buhayin subalit huli na ang lahat.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Cuyapo, Nueva Ecija kung saan inilibing ng mga suspect sa tulong ng isang Lino Pader, kamag-anak ni Surat.

Pagbalik sa Maynila ay nagawa pang humingi ng ransom ng mga suspect sa ina ng biktima.

Isang 9mm pistol ang nasamsam kay Surat ng arestuhin ito. (Ulat nina Grace Amargo at Ellen Fernando)

vuukle comment

BACALLA

EDNA SURAT

ELLEN FERNANDO

GRACE AMARGO

HONDA CIVIC

JERRO GARCIA

JUDGE BACALLA

JUDGE MARCIANO BACALLA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LINO PADER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with