7 bank robbers sa UCPB holdap timbog
June 6, 2001 | 12:00am
Pitong pinaghihinalaang miyembro ng sindikatong "Bonnet Gang" kabilang ang isang babae na responsable sa bigong nakawan sa United Coconut Planters Bank (UCPB) sa Quezon City, kamakalawa na nagresulta sa pagkasawi ng isa katao, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan ang naaresto ng mga awtoridad.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, inihayag ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza na ang mga suspect ay nadakip makalipas lamang ang pitong oras matapos ang nakawan sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa katimugan ng Metro Manila.
Kinilala ang mga suspek na itinuturong nasa likod sa mga nakawan sa banko sa Metro Manila na sina Jose Tactacon, alyas Jojo, 45; Kenn Gomez, 23, security guard; Teotimo Juntalan Jr. alyas Jun, 38; Emmalyn Robles alyas Malyn, 29; Glenn Obatay, 41; Jose Cabrera alyas Jojo, 39; at Ariel Miranda alyas Yel, 35.
Ang mga suspect ay sunud-sunod na naaresto ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) sa pamumuno ni CPD Director Sr. Supt. Rodolfo Tor sa dalawang magkakahiwalay na hideout ng mga suspect sa Philam Life at Camella Homes Subd. sa Las Piñas City.
Ayon kay Chief Insp. Rudy Jaraza, hepe ng CPD-Criminal Investigation Unit na nanguna sa pagsasagawa ng follow-up operations, nakaabot pa sila sa lalawigan ng Cavite upang matunton ang pinagtataguan ng mga suspect.
"Actually, may nakaposte na kaming mga tao sa Las Piñas ilang araw bago pa man sila sumalakay, talagang matinik itong grupong ito," pahayag ni Jaraza.
Nabatid naman na ang nasabing grupo rin ang responsable sa naganap na panghoholdap sa Equitable-PCI Bank noong Mayo 25 sa Congressional Road, Quezon City kung saan humigit-kumulang sa P.4M ang natangay.
Tinukoy ang grupo na nasa likod ng panghoholdap sa BPI-Timog Avenue Branch noong Pebrero 9 at sa Real Bank sa Fairview, Quezon City noong nakalipas na buwan ng Marso.
Nasamsam sa mga miyembro ng Bonnet Gang ang apat na M16 rifles, isang high-powered shotgun, apat na hand-grenade, tatlong smoke grenades, isang Anfra military vehicle na may plakang TAK-814; mga bonnet at gloves; military camouflage uniform; duffle bags, at sari-saring magazine para sa iba’t ibang kalibre ng baril. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am