Ama nagbigti dahil walang pang-eskuwela ang mga anak
June 5, 2001 | 12:00am
Dahil sa wala man lamang kahit isang bagong uniporme at kulang sa mga gamit na gagamitin ngayong pasukan ang kanyang mga anak, nagbigti ang isang ama dahil sa sobrang pagkaawa sa kanyang pamilya at konsensya sa sarili, kahapon ng madaling araw sa Pasig City.
Gumising dakong alas- 5 ng umaga upang maghanda sa pagpasok sa eskuwela ng kanilang dalawang anak sa elementarya si Enriqueta Dumale, 42, nang mabungaran nitong nakabitin sa pinto ng kanilang kuwarto ang malamig na bangkay ng kanyang mister na si Rogelio Dumale, 45, pedicab driver, ng Kamias St., Napico, Barangay Manggahan, Pasig City.
Ayon kay Enriqueta. Lulugo-lugong umuwi sa kanilang bahay ang kanyang mister kamakalawa ng gabi matapos na mabigong matanggap sa inaaplayang trabaho sa ibang bansa na naglalayong maiahon sa hirap ang buhay ng kanyang pamilya.
Bago pa umano ito pumasok sa kanila, binigkas nito na sawa na siya sa hirap ng buhay at naaawa na siya sa kanilang dalawang anak na hindi man lang niya naibili ng sapat na gamit sa paaralan.
Dito na umano nagkulong si Rogelio sa loob ng kanilang kuwarto at narinig pa niyang nagpupukpok ito na parang may kinukumpuni. Nang katukin umano ito ng misis ay hindi siya pinapasok.
Sinabi ni Enriqueta na natulog na lamang sila sa sala ng kanilang bahay katabi ang kanilang dalawang anak.
Kinaumagahan, muling kinatok ni Enriqueta sa kuwarto ang mister subalit hindi pa rin sumasagot hanggang sa humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay at nang puwersahang buksan ang pinto ng kuwarto ay tumambad sa kanila ang bangkay ni Rogelio.
Isang suicide note naman ang natagpuan sa loob ng kuwarto na nagsasaad ng kalungkutan dahil sa hindi makahanap ng trabaho at pagkaawa sa mga anak. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended