Mag-ina durog sa trailer truck
June 4, 2001 | 12:00am
Isang ginang at 3-anyos na anak nitong babae na katatapos pa lamang mamili ng kanilang paninda para sa kanilang maliit na negosyong sari-sari store ang magkasabay na nasawi nang mahagip ng rumaragasang sixteen wheeler trailer truck habang sila ay tumatawid sa Road 10, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Halos madurog ang mga ulo dahil sa labis na pagkakabagok ng mag-inang biktima na sina Amalia Pardinas, 29, isang store keeper at residente ng 245 Llana St., Tondo at ang anak nitong batang babae na si Gladys, 3 taong gulang na idineklarang dead on arrival (DOA) sa Mary Johnston Hospital.
Habang isinuko naman ng kanilang Barangay kagawad na nakilalang si Mariano Morallas ang nagtangkang tumakas na suspek na nakilalang si Israel Quiban, 25, truck driver ng Orient Freight International na may tanggapan sa Muelle dela Industria, Binondo, may asawa, tubong Leyte at residente ng Kawal St., Purok 5, Caloocan City.
Base sa pagsisiyasat ni SPO4 Leopoldo de Vera, may hawak ng kaso ng Western Police Traffic Enforcement Group (WPD-TEG), naganap ang pagkakahagip sa dalawang biktima dakong alas-9 ng umaga ng trailer truck na may plate no. UST-753.
Nauna rito, nabatid na nagpasyang mamili ang mag-inang biktima sa Macro supermarket sa Road 10, Tondo kasama pa ang asawa ng ginang na nakilalang si Joel, 30, empleyado ng Philippine Carpet Manufacturing Corporation dahil sa naubusan na sila ng paninda sa kanilang maliit na tindahan.
Makaraang makapamili ng kanilang pangangailangang mga paninda, dali-dali nang umuwi ang naturang pamilya bitbit ang kanilang pinamili at sumakay ng pampasaherong jeep na patungong Divisoria.
Ayon kay Joel, hindi niya sukat akalain na ang ginawang unang pagbaba ng kanyang mag-ina sa naturang sasakyan habang bitbit ang tatlong plastic ng kanilang pinamili ang huling tagpo ng kanilang pagsasama. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended