^

Metro

Doktor ng PCGH nasa 'hot water'

-
Nanganganib na matanggalan ng lisensiya ang isang doktor at ilang staff ng Pasay City General Hospital (PCGH) makaraang magpabaya umano sila sa kanilang tungkulin na naging sanhi ng kamatayan ng isang tabloid reporter.

Mariing ipinag-utos ni Pasay City Mayor Wenceslao ‘‘Peewee’’ Trinidad ang agarang imbestigasyon kaugnay sa reklamo na inihain ng mga kaanak ng namatay na reporter ng Remate/Remate Tonight na si Rey Pulga, 53, laban kay Dr. Leonor Parico, na siyang nakatalagang on-duty physician noong nakaraang linggo nang isugod sa nabanggit na pagamutan si Pulga.

Napag-alaman na si Parico ang siyang umano’y responsable sa pagkamatay ni Pulga dahil sa kabagalan nitong magdesisyon at kapabayaan sa pasyente na inilagay lamang sa sulok ng emergency room gayong ang nasabing reporter ay naghihingalo na matapos na atakihin ng stroke habang nasa Pasay City cockpit arena sa Libertad Street ng nasabing lungsod.

Sinabi naman ni Minda Pulga, may-bahay ng biktima, hiniling din na mailipat kaagad sa ibang pribadong ospital ang pasyente dahil na rin sa kakulangan ng mga kagamitan dito subalit sa halip na pumayag si Parico ay iniutos nito na magbayad ng halagang P3,000 para sa CT scan at karagdagang P300 para sa ambulance fee patungong klinika sa labas ng PCGH na tapat umano ng Philippine General Hospital.

Napag-alaman na dinala si Pulga sa ospital dakong alas-10 ng gabi noong Abril 27 at hindi nalapatan ng lunas hanggang sa malagutan ito ng hininga dakong alas-3 ng madaling araw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

DR. LEONOR PARICO

LIBERTAD STREET

LORDETH BONILLA

MINDA PULGA

NAPAG

PARICO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY MAYOR WENCESLAO

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

PULGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with