Tumanggi sa tagay tinodas ng mag-utol
June 3, 2001 | 12:00am
Dahil sa pagtanggi sa tagay ng alak, isang binata ang pinagtulungang patayin sa saksak ng mag-utol kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Hindi na umabot ng buhay sa Alabang Medical Center ang biktima na nakilalang si Joel Florez, 23, residente ng Rosal St. TS Cruz, Barangay Almanza II, sanhi ng mga saksak sa katawan.
Ang mag-utol na suspek ay nakilala namang sina Edgar at Dario Florez, kapitbahay ng biktima sa nabanggit na lugar ay mabilis na nagsitakas.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Robert Alipalo, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi malapit sa bahay ng biktima na kung saan ay nag-iinuman ang mga suspek ng alukin ng tagay ang biktima ay mariin itong tumanggi.
Labis na ikinagalit ng magkapatid ang pagtanggi ng biktima kayat kumuha ang mga ito ng patalim at pinagtripang saksakin ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended