Binata hinoldap at pinatay sa sariling sasakyan
June 3, 2001 | 12:00am
Isang 23-anyos na binata ang nasawi, matapos barilin ito ng isa sa apat na holdaper na sumampa sa kanilang sasakyan at nangholdap kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Ang biktima ay nakilalang si Jonathan Caguitla, nakatira sa Tilambo, Tayson, Batangas ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center sanhi ng tama ng bala sa mukha.
Samantala, hindi pa nakikilala ang apat na suspek na mabilis na tumakas at tangay ang P.1 milyon.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng C-5 Kalayaan Extension, Barangay East Rembo, ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na minamaneho ng biktima ang isang Isuzu Elf na may plakang TPV-728 at sakay nito ang kanyang ama na si Thomas at pinsan na si Cornello Lopez.
Na-traffic ang mga ito sa nasabing lugar at hindi namalayan ang pagsampa ng apat na suspek na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril sa kanilang sasakyan.
Agad na nagpahayag ng holdap ang apat na suspek subalit pumalag ang biktimang si Caguitla nang tangayin ang nasabing pera na puhunan sana sa negosyo.
Kayat isa sa mga suspek ang bumaril sa mukha ng biktima at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas habang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang huli na nasawi habang ginagamot. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended