^

Metro

Sa insidente ng mistaken identity: Berroya boys pinasisibak ng Senado

-
Isang buwan lamang ang ibinigay na palugit ng Senado sa pamunuan ng PNP upang madaliin ang summary dismissal proceedings laban sa 10 miyembro ng PNP-Intelligence Group na sangkot sa kaso ng mistaken identity noong nakalipas na Mayo 17 sa Quezon City.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng Blue Ribbon Committee, lumilitaw na palpak ang operasyon ng PNP- IG na nagresulta sa pagkamatay ng mga sibilyang sina Fernando Lozada at Marian Uson.

Nabatid na lumabag din ang mga awtoridad matapos na hindi magsuot ng tamang uniporme ang mga pulis na kanilang ikakikilala sa isinagawang police operations.

Ayon naman kay Senador Ramon Magsaysay Jr. dapat lamang na kamatayan din ang ipataw sa mga naturang pulis bunga na rin ng kapabayaan na ikinasawi ng dalawang inosenteng sibilyan. Nalilinya na umano sa karumal-dumal na krimen ang ginawa ng mga pulis na walang habas na pinagbabaril ang sasakyan ng mga biktima kahit hindi nila tiyak kung sino ang lulan nito.

Para naman kay Senador Rodolfo Biazon, dapat ding papanagutin sina Interior and Local Government Secretary Joey Lina at PNP-IG chief, Senior Superintendent Reynaldo Berroya bunga na rin ng command responsibility.

Malinaw umano na nilabag ng mga pulis ang rules of engagement dahil sa bigla na lamang nilang pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima.

Magugunitang nasawi sa naturang insidente sina Lozada at Uson, na pinagkamalan ng mga pulis na suspect sa naganap na pagdukot kay Mark Harris Bacalla. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BLUE RIBBON COMMITTEE

DORIS FRANCHE

FERNANDO LOZADA

INTELLIGENCE GROUP

MARIAN USON

MARK HARRIS BACALLA

QUEZON CITY

SENADOR RAMON MAGSAYSAY JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with