7,000 kawani ng Meralco sumama sa kilos-protesta laban sa Power bill
June 1, 2001 | 12:00am
Nakiisa na rin sa mga militanteng grupo ang may 7,000 empleyado ng Meralco sa isinasagawang kilos-protesta sa Mendiola kahapon, upang tahasang tuligsain at tutulan ang planong pagsasabatas ng Omnibus Power Reform Bill.
Ang pag-aaklas ng Meralco Employees and Workers Association (MEWA) ay isinagawa matapos na isulong ng pamahalaang Arroyo ang ratipikasyon ng nasabing panukalang batas sa pamamagitan ng special session sa Senado.
Ayon kay MEWA spokesman Al Diaz, ipagpapatuloy nila ang kanilang kilos-protesta para pigilan ang pagsasabatas sa Power bill. Ito umano ay lalong magpapahirap sa kanilang hanay dahil sa mawawalan sila ng trabaho. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended