^

Metro

24 na Q.C. councilors prinoklama na

-
Prinoklama na kahapon ng Commission on Election (COMELEC) ang 24 na councilors-elect sa apat na distrito ng Quezon City, karamihan sa mga ito ay political allies ni Mayor-elect Feliciano "Sonny" Belmonte Jr. ng Lakas-NUCD- UMDP.

Dahil na nadomina ng Lakas party ang kabuuan ng city council naniniwala si Belmonte na ang lahat ng kanyang programa para sa lungsod ay madaling magkakaroon ng katugunan. Malaki rin ang paniwala ng mayor na maitataas niya ang antas ng pamumuhay ng mga city residents.

Ang mga prinoklama ni Alioden Dalaeg, chairman ng Board of Canvassers, sina Wilma Sarino, Victor Ferrer Jr., Elizabeth Delarmente, Bernadette Herrera, pawang kabilang sa administration party Lakas; Vincent Crisologo at Rommel Abesamis, ng LDP, bilang mga nahalal na konsehal sa unang distrito.

Sa ikalawang distrito naman ang prinoklama ay sina Voltaire Liban III, ang aktres na si Aiko Melendez- Yllana, Ramon Medalla, Eric Medina, ng Lakas; Mary Ann Susano (LDP) at Allan Francisco, independent.

Sa ikatlong distrito, sina Jorge Banal at Dante de Guzman, kapwa ng Lakas; Franz Pumaren, Wencerom Lagumbay, Diorella Maria Sotto, ng LDP at Julian Coseteng ng NPC.

Habang sa ikaapat na distrito naman ay sina Jesus Suntay, Antonio Inton, Ricardo del Rosario at Restituto Malangen, pawang kabilang sa Lakas at Alma Montilla at Janet Malaya, kapwa ng LDP.

Nangako naman si Vice-mayor elect Herbert Bautista ng LDP nang buong pagsuporta sa administrasyon ni Belmonte. (Ulat ni Angie dela Cruz)

AIKO MELENDEZ

ALIODEN DALAEG

ALLAN FRANCISCO

ALMA MONTILLA

ANTONIO INTON

BELMONTE

BELMONTE JR.

BERNADETTE HERRERA

BOARD OF CANVASSERS

LAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with