^

Metro

Double murder, frustrated murder iniharap ng NBI vs 10 pulis ng IG

-
Inirekomenda kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kasong double murder at attempted murder sa Department of Justice laban sa 10 tauhan ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa pamamaslang na ginawa kina Fernando Lozada at Marianne Uson nitong nakaraang Mayo 17 sa Araneta Ave., Quezon City.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco ang mga suspek na sina Supt. Edgar Iglesia, P/Chief Insp. James Mejia, P/Sr. Insp. Edwin Portento, P/Insp. Preston Bangangan, P/Insp. Cesar Percival Pangda, P/Insp. Christine Tabdi, PO1 John Bolatin, PO1 Arnold Solas, PO1 Cherilyn Tundayag at PO1 Frederick Taala, pawang nakatalaga sa PNP, Intelligence Division (IOD), Intelligence Group (IG), Camp Crame, Quezon City.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Intelligence Special Operations Division (ISOD) na ng gabing maganap ang insidente, ang mga suspek ay kasalukuyang nasa intersection ng Del Monte at G. Araneta Ave. upang hulihin ang mga kidnappers ng biktimang si Mark Harris Bacalla.

Bigla na lamang umanong hinabol at pinaulanan ng bala ng mga suspek ang isang kulay asul na Mitsubishi car na minamaneho ni Lozada, chief steward ng New World Hotel, na sakay din ang anak na si Clarissa at ang biktimang si Marianne Uson.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ni Col. Reynaldo Berroya, hepe ng PNP Intelligence Group. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARANETA AVE

ARNOLD SOLAS

CAMP CRAME

CESAR PERCIVAL PANGDA

CHERILYN TUNDAYAG

CHIEF INSP

CHRISTINE TABDI

INTELLIGENCE GROUP

MARIANNE USON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with