Francis M. naaktuhang humihitit ng 'damo', arestado
May 30, 2001 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng Central Police District Command (CPDC) ang sikat na master-rapper at host ng noontime show Eat Bulaga na si Francis Magalona at ang kasama nito makaraang mahuli sa aktong humihitit ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan, kamakalawa sa Quezon City.
Bukod kay Magalona, 36, inaresto rin ang kasamahan nitong nakilalang si Alfredo delos Santos, 31.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:15 kamakalawa ng hapon nang maispatan nina PO3 James Bautista at PO1 Miguel Cordero ng Mobile Patrol ang itim na Honda CRV na may plakang WJM-853 na kahina-hinalang naka-park sa gilid ng daan sa panulukan ng Hemady St. sa New Manila, Quezon City.
Nang tigilan ito ng mga pulis para ma-check ay nakita nila sina Magalona at delos Santos sa aktong humihitit ng marijuana sa loob ng sasakyan.
Nang makita ni Magalona na noon ay naka-upo sa driver seat ang mga pulis ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan.
Hinabol sila ng mga pulis hanggang makarating sa may E. Rodriguez Boulevard at nang abutan ay binangga pa nito ang naturang mobile car.
Nang siyasatin ang sasakyan ng master-rapper nakuha rin dito ang ilang stick ng pinatuyong dahon ng marijuana at shabu paraphernalias.
Nasa poder pa rin ng CPDC si Magalona at kaibigan nito kasama ang abugado ng master-rapper kaya nabigong makadalo sa kanyang noontime show sa Eat Bulaga ang nabanggit na TV host.
Inihahanda ng pulisya ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nadakip. Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Magalona kaugnay sa pagkakadakip sa kanya.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am