^

Metro

Komosyon sa NAIA dahil sa aroganteng bodyguards ng Westlife

-
Muntik nang magrambulan kahapon sa Immigration arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial Terminal 2 makaraang maging arogante at pagsisigawan ng dalawang alalay ng grupong Westlife ang mga mamamahayag at ilang mga empleyado sa nasabing paliparan.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang dumating ang mga banyagang banda, kasama ang kanilang mga back-up instrumentalist at bodyguards sakay ng Phil. Airlines flight PR-502 mula sa Singapore.

Mahigpit ang naging seguridad sa loob ng premier airport, bukod sa mga mamamahayag ay hindi rin napigilan ang pagdagsa ng ilang kawani para makita ang hinahangaan nilang foreign artist.

Ngunit sa pagdating ng mga miyembro ng Westlife na bumaba mula sa co-bus na sinasakyan ng mga pasahero ay naging kapuna-puna na ang naging asal ng dalawang 6-footer na alalay ng grupo.

Pinagbawalan na agad ng mga ito na makalapit at kumuha ng larawan at maka-interview ang mga mamamahayag.

Sumiklab ang kaguluhan nang paulit-ulit na ipagtulakan at pagsisigawan ng dalawang alalay ng Westlife ang mga mamamahayag na hindi na nakatiis na gumanti hanggang sa magkaroon ng ilang minutong komosyon.

Halos magpang-abot na ang dalawang bodyguards at miyembro ng NAIA Press Corps Inc. pagdating sa Customs Area kung hindi namagitan ang ilang alalay na Pinoy ng nabanggit na grupo. (Ulat ni Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

CENTENNIAL TERMINAL

CUSTOMS AREA

DAKONG

MAHIGPIT

MUNTIK

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PRESS CORPS INC

WESTLIFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with