Sunog sa Las Piñas at Pasay City
May 28, 2001 | 12:00am
Dalawang magkahiwalay na sunog ang magkasunod na naganap sa lungsod ng Las Piñas at Pasay na lumamon sa isang lumber and hardware store at 13 kabahayan kahapon.
Unang sumiklab ang sunog sa Pamplona lumber and hardware store sa Zapote Alabang Road, Pamplona, Las Piñas City dakong alas-8:45 ng umaga. Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng Las Piñas Fire Department at mga karatig lugar kung saan agad na naapula ang naturang apoy dakong alas-10:55 ng umaga.
Tuluyan namang naging abo ang buong tindahan ngunit hindi na kumalat ang apoy sa mga karatig na establisimiyento matapos na maagapan ng mga bumbero. Tinataya namang umaabot sa P5-10 milyong halaga ng ari-arian ang natupok o nasira sa insidente.
Sumiklab naman ang ikalawang insidente dakong alas-10 ng gabi kamakalawa sa may Balimbing St., Bgy. Sto. Niño, Pasay City. Nilamon ng apoy ang 13 kabahayan kung saan nag-umpisa umano ang apoy sa bahay ng mismong kapitan ng barangay na si Pete Reyes.
Nahirapan namang maapula agad ng mga bumbero ang naturang apoy dahil sa kasikipan ng daanan. Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa ikalawang insidente habang hindi pa madetermina ang halaga ng natupok na mga ari-arian. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended