^

Metro

Dalawang TRO hiniling ni Lacson

-
Naghain kahapon sa Manila Regional Trial Court ng dalawang petisyon para sa temporary restraining order si dating PNP chief at kumandidatong senador na si Panfilo Lacson kaugnay sa mga kinakaharap niyang kaso.

Una nais ni Lacson na ipahinto ang muling pagbubukas at pagsisiyasat sa kaso ng mga pinaslang na miyembro ng Kuratong Baleleng, pangalawa ipatigil ang isinasagawang preliminary investigation sa kasong kidnapping at murder kaugnay sa ibinunyag ni Mary Rose Ong, alyas Rosebud.

Nakasaad sa ipinasang petisyon, na nauna nang dinismis ng Quezon City RTC ang kasong multiple murder. Kaugnay nito, naghain ng petisyon para sa temporary restraining order si Lacson dahil na rin sa umano ay ‘recycled complaint’ ni Rosebud.

Nais ipatigil ng kampo ni Lacson ang isinasagawang preliminary investigation kaugnay sa isinampang kasong kidnapping at murder ng National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, hindi naman sinipot ni Lacson ang isinagawang preliminary investigation sa kasong kidnapping for ransom at murder na kanyang kinakaharap sa Department of Justice (DOJ).

Kasabay nito, ibinasura na rin ang kahilingan ng abogado ni Lacson na balewalain na ang kaso sa naturang tanggapan at isama na lamang sa naunang kaso na isinampa sa tanggapan ng Ombudsman.

Ayon sa kautusan, kahit pareho lamang ang mga sangkot at ang akusasyon o pangyayari, hindi pinapayagan ang naturang mosyon sa ilalim ng Revised Rules on Criminal Procedure.

Binigyan hanggang sa Hunyo 4, ang lahat ng respondents sa kaso na magsumite ng kani-kanilang ebidensiya at counter affidavits. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

CRIMINAL PROCEDURE

DEPARTMENT OF JUSTICE

KURATONG BALELENG

LACSON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARY ROSE ONG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with