Lalaking naka-bike nabundol ng van

Nasa comatose na kalagayan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nabundol ng isang L-300 van habang ito ay nagmamaneho ng mountain bike kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ang biktima na inilarawan na may katamtamang laki ang katawan, nakasuot ng short na brown at kamisetang puti, ang edad ay nasa pagitan ng 28 hanggang 36.

Samantala sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Guillermo Martinez, 23, nakatira sa no. 6518 E.Ramos St., Makati City.

Ayon sa pulisya, minamaneho ng biktima ng kanyang mountain bike dakong ala 1:15 ng madaling araw at sa pagliko nito sa kanto ng Dolores St., at Arnaiz Avenue ay nahagip ito.

Tumilapon ang biktima ng ilang metro na una ang ulo ng ito ay bumagsak sa semento.

Mabilis na isinugod ito ng suspek sa Philippine General Hospital. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments