^

Metro

Traffic Enforcer na sumaklolo sa bus holdap, binaril

-
Nasa kritikal na kalagayan ang isang traffic enforcer ng Philippine National Construction Company (PNCC) matapos itong barilin ng isa sa apat na holdaper nang sumaklolo ito sa nagaganap na bus hold-ap kamakalawa ng gabi sa bayan ng Taguig.

Ang biktima ay nakilalang si Virgilio Lacerna, nasa hustong gulang na nagtamo ng tama ng bala sa katawan.

Isa sa apat na suspek na mabilis na naaresto ay nakilalang si Jun-jun Flores, 36,tubong Samar at residente ng San Jose, Montalban, Rizal. Habang pinaghahanap ang mga kasamahan nitong sina Ruben Canol, 35; isang alias Ricky, tubong Cebu at isang alias Denden na taga Libis, Quezon City.

Base sa imbestigasyon na alas 7:20 ng gabi ay nagsasagawa ng patrulya ang biktima nang mapuna nito na nakahinto ang Mast aircon bus transit (NYY-112) sa harapan ng TESDA Te-nement, Western Bicutan.

Sa mga sandaling iyon ay nagsasagawa na nang pang-hoholdap ang mga suspek sa mga pasahero ng bus at pawang armado ng patalim, balisong at granada.

Nagduda ang biktima kaya nilapitan nito ang bus para alamin ang nagaganap sa loob at ng paglapit nito sa pinto ay agad siyang binaril.

Narinig naman ng mga kasamahan ng biktima ang putok kaya nagresponde ang mga ito at hinabol ang mga suspek at tanging naabutan lang nila ay si Flores.

Ang mga pera at mga alahas ng mga pasahero ay tangay ng mga nakatakas na suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CEBU

DENDEN

LORDETH BONILLA

PHILIPPINE NATIONAL CONSTRUCTION COMPANY

QUEZON CITY

RUBEN CANOL

SAN JOSE

VIRGILIO LACERNA

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with