Lasenggero na walang pambili, timbog sa nakaw na 2 case ng beer
May 26, 2001 | 12:00am
Sa kagustuhang masayaran ang lalamunan ng alak pero walang pambili nagpasya itong magnakaw na lamang ng dalawang case ng beer sa isang tindahan subalit nabigo niya itong maitakas nang siya ay maispatan kamakalawa sa Mandaluyong City.
Hindi Sarap Mag-Beer (SMB) ang nararanasan ng suspek na si Crisanto Basallo, binata, walang trabaho at residente ng Bgy.Plainview ng nasabing lunsod kundi "Saklap Ma-Bilanggo" sa detencion cell ng Mandaluyong PNP.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na ang pagnanakaw ng suspek ay kanyang isinagawa dakong alas 8:30 ng umaga sa tindahan ng biktimang si Domingo Go, 50, may-asawa, negosyante at residente ng Unit 106, San Miguel Condominium ng nasabing barangay.
Nabatid na abala sa pag-aayos ng tindahan ang biktima na hindi nito namamalayan na pasimpleng binubuhat ng suspek ang dalawang kahon ng SMB na nagkakahalaga ng P 580.
Tiyempong naispatan ng isang miyembro ng Public Order Safety (POS) na si Bienvenido Nicanor ang pagtakas ng suspek.
Agad nitong sinabihan ang biktima na ninanakaw ang kanyang paninda kaya nagtulong silang habulin ito at kanilang naaresto. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended