Personal na nadismaya si NCRPO Director Romeo Peña sa umanoy di makatao at makatwirang operasyon ng mga tauhan ni Berroya nitong nakalipas na Mayo 17 nang mapagkamalang suspek sa pagpatay ng negosyanteng si Mark Harry Bacalla.
Maging ang elemento ng command responsibility ay nais din na muling pag-aralan ni Peña, maging mga opisyales ng PNP upang malaman kung hanggang saan natatapos ang responsibilidad ng isang kumander.
Nagpahayag rin ito ng suporta sa ipapatawag na public hearing ni Senador Rene Cayetano hinggil sa nangyaring ambush.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga pa rin ni Berroya ang mga tauhan niyang sangkot sa nasabing ambush habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation. (Ulat ni Joy Cantos)