^

Metro

Rules of Engagement rerepasuhin

-
Pinaboran kahapon ng PNP na muling repasuhin ang kanilang ipinapatupad na "rules of engagement " para maiwasan ang nangyaring "mistaken identity ambush" kamakailan sa Quezon City na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng isa pa ng mga operatiba ng PNP Intelligence Group na pinamumunuan ni Sr/Supt. Reynaldo Berroya.

Personal na nadismaya si NCRPO Director Romeo Peña sa umanoy di makatao at makatwirang operasyon ng mga tauhan ni Berroya nitong nakalipas na Mayo 17 nang mapagkamalang suspek sa pagpatay ng negosyanteng si Mark Harry Bacalla.

Maging ang elemento ng command responsibility ay nais din na muling pag-aralan ni Peña, maging mga opisyales ng PNP upang malaman kung hanggang saan natatapos ang responsibilidad ng isang kumander.

Nagpahayag rin ito ng suporta sa ipapatawag na public hearing ni Senador Rene Cayetano hinggil sa nangyaring ambush.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga pa rin ni Berroya ang mga tauhan niyang sangkot sa nasabing ambush habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BERROYA

DIRECTOR ROMEO PE

INTELLIGENCE GROUP

JOY CANTOS

MARK HARRY BACALLA

NAGPAHAYAG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

REYNALDO BERROYA

SENADOR RENE CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with