Walang pang-tuition, estudyante tiklo sa holdap
May 25, 2001 | 12:00am
Para umano may maipambayad sa tuition fee sa darating na pasukan, isang estudyante kasama ang apat pang kabataan ang nagsagawa ng panghoholdap sa isang taxi driver kahapon ng madaling araw sa bayan ng Taguig.
Ang isa sa limang suspek na naaresto ay nakilalang si Rafael Vinson, 15, 4th year high school sa darating na pasukan at residente ng Quasay St., Zone 1, Bgy. Signal Village ng bayang nabanggit. Habang ang apat nitong kasamahan na dalawang babae at dalawang lalaki ay nakatakas.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na bandang ala-1:10 ng madaling araw sa panulukan ng Acacia at Pio Felipe St.,Purok 1, Lower Bicutan ay pinara ng mga suspek ang Vina taxi (TVM- 636) na minamaneho ng biktimang si Conrado Cerda, ng Rosario St., Taytay, Rizal.
Ilang minuto lang na umaandar ang taxi ay naglabas ng patalim ang mga suspek at nagpahayag ng holdap ang mga ito.
Hindi nakapalag ang biktima sa takot na itusok sa kanyang leeg ang patalim kaya ibinigay na nito ang kanyang buong araw na kinita sa pamamasada at pagkatapos ay mabilis na nagbabaan ang mga suspek.
Si Cerda naman ay nagtungo agad sa himpilan ng pulisya at sinabi na ang mga suspek ay naglalakad lang.
Hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad kaya tinungo ang lugar na pinangyarihan ng insidente at nakita nila ang suspek na si Vinson na nakatambay at balak umanong magsagawa ulit ng panghoholdap.
Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang patalim na ginamit nito sa panghoholdap at ikinatwiran nito sa pulisya na kaya umano nagawa nito ang panghoholdap ay dahil sa nalalapit na ang pasukan at wala umano siyang pambayad sa tuition fee. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended