^

Metro

7 testigo vs 10 pulis sa palpak na operasyon hawak ng NBI

-
May pito ng testigo ang National Bureau of Investigation (NBI) na nakasaksi sa naganap na pamamaril noong nakalipas na Huwebes sa Araneta Avenue sa Quezon City na dito nasawi ang dalawa katao kabilang ang isang hotel executive na napagkamalan ng mga operatiba ng Intelligence Group (IG) ng PNP na suspect sa pagdukot kay Mark Harris Bacalla.

Ayon kay Atty. Oscar Embido, head ng NBI’s Intelligence and Special Operations Division na ang mga testigo na hindi muna binanggit ang mga pangalan sa kadahilanang seguridad ay tutulong upang positibong kilalanin ang mga suspect na pulis na sangkot sa pamamaril.

Magugunitang nasawi sa insidente ang 48-anyos na si Fernando Lozada at si Marian Uson, kaklase ng anak ng una. Sugatan naman ang anak ni Lozada na si Clarissa Franches, 17.

Napag-alamang pinagkamalan ng grupo ng mga pulis ang kotseng sinasakyan ng mga biktima na siyang kanilang hinahabol na mga suspect na sangkot naman sa pagdukot at pagpatay kay Bacalla.

Sampung pulis IG ang sinasabing sangkot sa palpak na operasyon ang nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Samantala,inabsuwelto ng pamunuan ng PNP si IG director Senior Supt. Reynaldo Berroya kahit pa nga nasangkot ang sampung tauhan nito sa kaso.

Iginiit ni Director Hermogenes Ebdane, director for administration ng PNP na pormal nilang pinawalang-sala si Berroya alinsunod sa pinaiiral na command responsibility.

Malinaw umano na hindi siya sangkot sa kaso kaya dapat lang na huwag siyang batuhan ng anumang sisi. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARANETA AVENUE

CLARISSA FRANCHES

DIRECTOR HERMOGENES EBDANE

ELLEN FERNANDO

FERNANDO LOZADA

INTELLIGENCE AND SPECIAL OPERATIONS DIVISION

INTELLIGENCE GROUP

MARIAN USON

MARK HARRIS BACALLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with