^

Metro

Ina binigti ng sariling anak

-
Pinatay sa pamamagitan nang pagsakal ang isang ina ng sarili niyang anak na lalaki bunsod umano ng kasesermon ng una sa huli, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Nakilala ang nasawing ginang na si Mary Ramos, 71, ng San Ignacio St., Brgy. Kapitolyo, Pasig City. Hindi na ito umabot nang buhay sa Rizal Medical Center dahil sa matinding pagkakasakal sa kanya ng sariling anak.

Agad namang nadakip ng pulisya ang suspect na si Emmanuel Ramos, walang trabaho ng nabanggit ding lugar. Kasalukuyan itong nakaditene sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong parricide.

Sa ulat ni Inspector Antonio Paulite, ng Criminal Investigation Division (CID) naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng kanilang bahay.

Base sa ulat malimit umano na nagbubunganga sa suspect ang biktima na ikinairita nito sa dahilang matanda na siya ay hindi na dapat pang pagsabihan.

Binanggit pa sa imbestigasyon na nakikipag-inuman umano ang suspect sa kanilang kapitbahay at lasing na lasing na umuwi sa kanilang bahay. Inabutan umano nito ang kanyang ina na nagsimula na naman siyang sermunan.

Dahil dito, nakaramdam ng matinding galit ang suspect sa kanyang ina at mabilis itong kumuha ng isang kawad ng kuryente at ipinulupot sa leeg ng kanyang ina at saka tuluyan itong binigti.

Hindi na nagawa pang makatakas ng suspect na animo’y natulala matapos ang insidente.(Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BINANGGIT

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

EMMANUEL RAMOS

INSPECTOR ANTONIO PAULITE

MARY RAMOS

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

SAN IGNACIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with