2 mag-asawang kidnaper ng dalagita timbog sa pay-off
May 24, 2001 | 12:00am
Nailigtas ng mga awtoridad ang isang 16 anyos na dalagita sa kamay ng mag-aasawang kidnaper sa isang pay-off sa isang sangay ng Jollibee sa Alabang, Muntilupa City, kahapon.
Ang biktima ay nakilalang si Imelda San Diego, estudyante at residente ng 2456 F. Callejon St., Gagalangin, Tondo, Manila.
Nakatakda namang sampahan ng kasong kidnapping ang mag-aasawang suspek na nakilalang sina Rolando Silva, 41, driver; asawang si Eugenia, 38; Victor Garcia, 49, driver at asawa nitong si Zenaida, 51, na pawang residente ng Palsara, Balite, Batangas City.
Sa salaysay ni Maria Gercel Elueso, 24, dalaga kapatid sa ina ng biktima na magkasama sila sa bahay ng biktima noong Mayo 21 ng dumating ang mag-asawang suspek na sina Rolando at Eugenia na may kasamang dalawang opisyal ng barangay at hinahanap ang kanyang ina na si Gng. Nenette Elueso para singilin ang utang nito na nagkakahalaga ng P200,000.00.
Dahil naka-uwi na si Gng. Elueso sa Aklan puwersahang tinangay ng mag-asawa ang biktima at isang VCD.
Ayaw pirmahan ni Maria ang isang kasulatan na nagsasabing kusang loob na sumama ang kanyang kapatid sa mag-asawang suspek kaya siya ay sinaktan at binantaan na may mangyayarig masama sa biktima kapag ito ay magsusumbong sa mga awtoridad.
Mayo 23 dakong alas-7:00 ng umaga ay tinawagan ni Maria ang mag-asawang Silva sa cellphone para alamin ang lagay ng kapatid at dito ay sinabi sa kanya na kailangang mag-produce ng halagang P200,000 na pantubos sa biktima.
Nagbanta pa si Rolando na bibigyan lamang niya ng tatlong araw si Maria para maghanap ng nasabing halaga at kung hindi ay may masamang mangyayari sa kapatid nito.
Dahil dito agad niyang ipinagbigay alam sa WPD at kinausap nito ang mga suspek na babayaran niya ang mga ito sa Jollibee, Alabang Metropolis at inihanda na ang budol-budol na pera.
Dakong alas-2:00 ng hapon ay isinagawa ang pay-off at dito ay inaresto ang mag-asawang Silva habang ang mag-asawang Garcia ay inaresto naman sa hide-out at dito ay nasagip ang biktima.
Sinasabi sa report na ang ina ng biktima ay isa umanong illegal recruiter at isa sa naloko ay ang mag-asawang Silva.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended