Holdapan: Sibilyan at holdaper napatay, pulis sugatan
May 22, 2001 | 12:00am
Isang holdaper ang napatay at isang sibilyan ang tinamaan ng ligaw na bala, habang nasa kritikal na kondisyon naman sa pagamutan ang isang miyembro ng PNP makaraang makipagbarilan sa una habang hinoholdap ang isang ginang, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Bunga ng tama ng punglo sa tenga na naglagos sa kanyang mukha, namatay noon din ang nadamay na pedicab driver na nakilalang si Armando Villorca, 24, samantalang hindi na umabot pang buhay sa Mary Jhonston Hospital ang di-pa nakikilalang holdaper makaraang mabaril sa katawan ng isa sa nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Kasalukuyan namang ginagamot sa nasabing ospital si PO2 Rosalino Ibay, 42, ng TMG ng Camp Crame makaraang mabaril sa tiyan ng nasawing suspect.
Nabatid na dakong alas-3:15 ng madaling araw ng maganap ang insidente. Patungo umano si Ibay sa isang bakery upang bumili ng pandesal sa may Moriones St. nang masaksihan nito ang ginagawang panghoholdap ng suspect sa isang ginang na nag-aabang ng sasakyan.
Agad na nilapitan ni Ibay ang suspect upang sitahin , gayunman agad siyang pinaputukan nito hanggang magpalitan ang dalawa ng putok ng baril at tamaan ng ligaw na bala si Villorca na noon ay natutulog sa kanyang minamanehong pedicab.
Napatay naman ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspect. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended