Tanod pinatay sa pagsita ng nagtapon ng basura
May 21, 2001 | 12:00am
Isang 58-anyos na brgy. tanod ang sinaksak hanggang sa mapatay ng isang di-nakilalang suspek matapos itong sawayin ng una dahil sa pagtatapon ng basura sa tapat ng bahay ng biktima kahapon ng madaling araw sa Lacson St., Sampaloc, Manila.
Binawian ng buhay sa UST Hospital ang biktimang si Francisco Flores, isang brgy. tanod ng Brgy. 461 Zone 45, matapos ang mahigit isang oras na pakikipaglaban sa kamatayan.
Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Raul Olavario, may hawak ng kaso, bandang alas-4 ng madaling-araw ay nag-iigib ng tubig ang biktima nang makita nitong nagtatapon ng basura sa tapat ng kanyang bahay ang suspek kung kayat sinaway niya ito.
Sa pagkainis ng suspek ay umalis ito at ng bumalik ay may dala ng fan knife at pinagsasaksak sa likod ang biktima. Naiwan pang nakatarak ang fan knife na ginamit sa likod ng biktima.
Pinakiusapan pa umano ng biktima ang kasamahang tanod na si Mario Caranto upang hugutin ang fan knife sa likuran nito na tinanggihan ng huli hanggang sa isugod ito sa pagamutan. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended