Obrero kinalasan ng nobya, nagpatiwakal
May 21, 2001 | 12:00am
Isang 28-anyos na obrero ang nagpatiwakal matapos na kalasan ng kanyang nobya sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikatlong palapag ng gusali sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.
Basag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto sa katawan sanhi upang di-na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima na nakilalang si Carlito Briones, may-asawa, residente ng 1002-B Mercedez apartment na nasa kanto ng P. Florentino at Craig Sts., Sampaloc.
Sa pagsisiyasat ni Detective Joey de Ocampo, officer on case ng Western Police District Homicide Section (WPD-HS), naganap ang pagpapatiwakal ng biktima dakong alas-1:30 ng madaling araw sa ikatlong palapag ng kanyang tinutuluyang gusali sa naturang lugar.
Una rito, nabatid ng pulisya na dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa nakipag-inuman sa kanyang mga kasamahan ang biktima na ang isa ay nakilalang si Roger Gaytos.
Sa kuwento ni Gaytos sa pulisya, nailabas ng biktima ang kanyang sama ng loob hinggil sa ginawang pakikipagkalas ng kanyang kasintahan na nakilala lamang sa unang pangalan na Josephine, 16, isang katulong na nakatira malapit sa gusaling ginagawa ng biktima.
Napag-alaman na nabisto ni Josephine ang ginawang pagsisinungaling ni Briones makaraang magpanggap ito na wala pang pananagutan sa buhay at ang kanyang edad ay 17-anyos lamang upang halos maging pantay ang edad ng kanyang nobya.
Nalaman ni Josephine ang tunay na pagkatao ng biktima na mayroon na pala itong asawa at pinababa lamang nito ang kanyang edad para siya mapaniwalang magkabagay sila na naging dahilan upang makipagkalas ito sa biktima. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am