^

Metro

GRO ayaw makipagbalikan kinatay ng ex-lover

-
Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 27-anyos na guest relation officer (GRO), matapos na gawing punching bag at limang beses na sinaksak ng kanyang dating live-in partner, makaraang tumangging makipagbalikan ng una at muling makisama sa huli kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang biktima na kasalukuyang ginagamot sa Pasay City General Hospital ay si Dolores Sierra, dalaga, nakatira sa No. 2300 Tramo St., ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong pasa, bukol at limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na nakilalang si Alexis Acopio, 24, binata nakatira sa No. 69-Area D, Chest Clinic ng nabanggit na lungsod ay mabilis namang tumakas matapos isagawa ang krimen.

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Cris Gabutin, ng Criminal Investigation Division (CID), pitong buwan ng hiwalay bilang mag-live-in partner ang biktima at suspek.

Dakong alas-5 ng madaling araw ay nagpunta si Acopio sa bahay na tinutuluyan ni Sierra upang himukin ang dalaga na muling makipagbalikan at makisama sa kanya, na tinanggihan naman ng dalaga dahil sa kawalan ng tiwala nito sa lalaki na bukod sa umano’y iresponsable ay lulong pa sa ipinagbabawal na gamot.

Nagalit si Acopio sa pagtanggi ni Sierra kaya’t ginulpi niya ang babae at hindi pa ito nakuntento ay nakahagilap ito ng ice pick at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Ilang mga kapitbahay ng biktima ang agad na sumaklolo at isinugod ang una sa nabanggit na pagamutan samantalang si Acopio ay mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ACOPIO

ALEXIS ACOPIO

AREA D

CHEST CLINIC

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CRIS GABUTIN

DOLORES SIERRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with