3 nanalong Mayor sa Metro, iprinoklama na ng COMELEC
May 20, 2001 | 12:00am
Pormal nang iprinoklama kahapon ng Commission on Elections ang tatlong nanalong Alkade na nakabase sa Metro Manila matapos ang ilang araw na bilangan ng boto bagaman patuloy pa ang isinagawang pagbibilang ng Comelec sa mga elections returns na nagmumula sa ilang sulok ng kapuluan.
Dakong alas-3 ng madaling-araw kahapon nang iproklama ni Atty. Manuel Lucero, Chairman ng Board of Canvasser si Valenzuela Mayor Emmanuel "Bobbit" Carlos bilang nanalong Alkalde at iba pang nagsipagwaging kandidato matapos ang ilang araw na bilangan.
Si Carlos ay nakakuha ng 76,176 boto laban kay Ernesto de Guzman na may 49,784 na boto.
Nanalo naman bilang Vice-Mayor ni Carlos si Antonio Espiritu na may 68,784 na boto.
Sa Muntinlupa, dakong alas-8:30 ng umaga nang iprinoklama ni Atty. Lourdes Ugalino, Hepe ng lokal na Comelec si incumbent Mayor Jaime Fresnedi, ng partidong Lakas-NUCD/People Power Coalition sa botong 64,818 laban sa katunggali nitong s Elizabeth Masangcay na nagtamo ng 47,822 votes habang ang running mate nito na si Jo Jayson Alcaraz na may botong 56,619 ay nanalong Vice Mayor laban kay Vicente Chua na nakakuha ng botong 55,014.
Nangibabaw naman ang Puwersa ng Masa sa bayan ng San Juan na kilalang balwarte ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Ang anak ng dating Pangulo na si JV Ejercito ang nagwagi sa pagka-Alkalde sa nasabing bayan laban sa kumandidatong si Adolfo Sto. Domingo.
Si Ejercito at buong tiket nito ay pormal na iprinoklama ng madaling-araw ng Comelec bilang nagwaging Mayor sa San Juan matapos na makakuha ng may 60 porsyento ng kabuuang boto sa bayan. (Mga ulat nina Danilo Garcia,Lordeth Bonilla at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended