Kawani ng New World Hotel patay sa ambusha; 2 pa sugatan
May 19, 2001 | 12:00am
Isang empleyado ng New World Hotel ang nasawi, habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan nang tambangan ang mga ito ng hindi nakikilalang mga kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Araneta Avenue, Quezon City.
Ang nasawi ay nakilalang si Fernando Lozada, 48, chief steward sa nasabing hotel at nakatira sa No. 49 Ferdinand St., Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal.
Samantala, nasa malubhang kalagayan naman sa Capitol Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Clarissa Frances, 17, anak ng nasawi at ang kaibigan nitong si Marianne Unson, 18, ng Mandaluyong City.
Ayon sa ulat, minamaneho ni Fernando ang kanyang kotseng Mitsubishi Lancer na may plakang TKM-265 lulan ang kanyang anak at kaibigan nang biglang harangin ng dalawang sasakyan sa Araneta Avenue, malapit sa Quezon Avenue.
Sa halip na huminto ay pinaharurot umano ni Fernando ang kanyang sasakyan hanggang sa habulin naman ito ng hindi nakilalang mga hired killers at pagsapit sa kanto ng Maria Clara St. sa Barangay Sto. Domingo ay pinaulanan ng bala ng mga suspect ang mga biktima.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Fernando kaya nawala ito ng kontrol sa manibela kaya bumangga ang kotse sa isang bangketa.
Mabilis na tumakas ang mga suspect pagkatapos ng pananambang, habang isinugod sa Orthopedic Hospital si Fernando, gayunman hindi na umabot pang buhay.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya patungkol sa insidente. Hindi naman mabatid kung napagkamalan lamang ang grupo ng mga biktima o di kaya ay sila ang tunay na pakay ng mga salarin.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended