^

Metro

Epidemya nakaamba sa Manila City Jail

-
Dulot ng labis na kapabayaan at lumalalang sitwasyon sa loob ng Manila City Jail (MCJ), pinangangambahan ang paglaganap ng epidemya sa loob ng kulungan at posibleng magkahawahan ang mga preso dito bunga ng ibat-ibang sakit na nararanasan.

Ito ay matapos mabatid na labing-tatlong preso dito ang iniulat na nasa malubhang kalagayan makaraang dapuan ng mga sakit tulad ng tuberculosis at pagkawala sa sariling pag-iisip.

Pito sa mga ito ang nagtataglay ng TB, habang ang anim ay nawawala sa matinong pag-iisip (mental disorder).

Sinisisi ng mga preso ang pagdapo ng mga sakit dahil sa kakulangan ng malinis na tubig na kanilang iniinom, gayundin ng di maayos na pagkain na ibinibigay sa kanila.

Bukod pa dito ang lubhang pagsisikip sa kanilang mga selda dahil naman sa parami nang paraming bilang ng mga bagong pasok na preso.

Namimiligro ding manalanta sa mga preso ang mga sakit tulad ng beke, bulutong, sore eyes, tigdas at iba’t iba pang uri ng sakit sa balat.

Inaasahang ililipat na ang ilang preso na malala na ang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center upang malapatan ng mas maayos na paggagamot.(Ulat ni Ellen Fernando)

BUKOD

DULOT

ELLEN FERNANDO

INAASAHANG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA CITY JAIL

NAMIMILIGRO

PITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with