^

Metro

Trader pinaslang, inilagay sa compartment ng kotse

-
Isang 33-anyos na negosyante ang iniulat na pinaslang ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang natagpuan sa loob ng isang compartment ng isang nakaparadang kotse sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang pinaslang na si Charlito Tuscano ng 7-B Dalton St., Veterans Village, Holy Spirit, Quezon City ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at sa dibdib buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Base sa salaysay ng asawa ng nasawi na nakilalang si Janet, 27, kay SPO2 Reynaldo Aguba, ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City Police na dakong alas-7 kamakalawa ng gabi magkasama sila ng kanyang mister na nagpunta sa Madrigal Building sa panulukan ng Russel at F.B Harrison Streets ng nasabing lungsod at sakay sila ng kanilang sasakyang kulay gray na Highlander.

Ayon sa ginang nagpaalam muna siya sa kanyang mister na pupunta sa Baclaran at mamimili at hindi pa halos siya nakakalayo ay narinig niya ang putok ng baril sa lugar na kinaroroonan ng kanyang mister.

Gayunman, hindi pinansin ng ginang ang narinig na mga putok at nagtuloy na siya sa pamimili.

Makalipas ang ilang oras ay binalikan niya ang kanyang mister subalit wala ito sa lugar na kanyang pinag-iwanan.

Ilang oras umano siyang naghintay hanggang sa mamataan niyang lumabas ang isang kulay puting kotseng Nissan Sentra na papalabas ng nasabing gusali.

Ilang oras pa ang lumipas at ipinagbigay alam na niya sa pulisya ang nawawalang asawa at sa paghahanap nito kasama ang mga alagad ng batas ay nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa kahina-hinalang kotse na ipinarada sa kahabaan ng Sta. Escolastica ng nabanggit na lungsod.

Dakong alas-8 ng umaga nang tunguhin ng mga pulis ang naturang lugar kasama ang misis ng biktima at doon nga nakita muli niya ang Nissan Sentra na may plakang UKC-848, ang kotseng nauna na niyang nakita noong gabing mawala ang kanyang mister.

Nang buksan ang compartment ng kotse ay doon lumantad ang bangkay ng biktima.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulong onsehan sa droga at gun-running ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

B DALTON ST.

B HARRISON STREETS

CHARLITO TUSCANO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

HOLY SPIRIT

ILANG

LORDETH BONILLA

MADRIGAL BUILDING

NISSAN SENTRA

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with