^

Metro

Pagkaing may mayonnaise ban sa NAMFREL

-
Sanhi ng pagkalason sa may 17 volunteers ng National Citizen’s Movement for Free Election (NAMFREL), hindi na sila tatanggap ng anumang donasyong pagkain na nagtataglay ng mayonnaise.

Ito ang naging pahayag kahapon ni NAMFREL Chairman Jose Concepcion Jr., matapos nitong kumpirmahin na ligtas na ang nabanggit na mga biktima na nalason sa pagkain ng tinapay na may palamang mayonnaise.

Sinabi ni Concepcion, dalawa na lamang ang naka-confine sa Cardinal Santos Hospital at ang 15 ay nasa mabuti ng kalagayan at handa nang bumalik sa pagbibilang.

Nabatid sa mga biktima na ang dahilan ng pananakit ng kanilang tiyan at pagsusuka ay nang kumain sila ng pandesal na may mayonnaise.

Ngunit tumanggi si Concepcion na pangalanan ang nag-donate ng nasabing pagkain kasabay nang pagsasabing walang intensyong masama ang nagbigay nito kundi nagmagandang loob pa nga sa mga volunteer ng NAMFREL.

Base sa report ng NAMFREL, nabatid na dakong alas-10 ng gabi kamakalawa ng may 17 mga volunteers ang biglaang nagsusuka at nakaramdam ng matinding pagsakit ng tiyan. Ang mga ito ay agad na isinugod sa pagamutan at doon natuklasang biktima sila ng food poisoning.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

CHAIRMAN JOSE CONCEPCION JR.

CONCEPCION

FREE ELECTION

LORDETH BONILLA

NABATID

NATIONAL CITIZEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with