^

Metro

Bilangan sa Caloocan naantala na naman

-
Hindi na naman natuloy ang bilangan ng balota sa Caloocan City.

Nabatid na dakong alas- 3:30 ng hapon nang magsimulang ipunin ang mga election returns, gayunman tumakbo ang oras at walang naganap na bilangan.

Nabatid na na-delay ang dapat sana’y nasabing pagbibilang matapos na magkaroon ng pagpapalitan ng argumento at debate ang mga representante ng magkalabang grupo.

Napag-alaman na hiniling ng mga legal counsel ni Asistio sa pangunguna ni Atty. Gregorio Perez na lagyan ng mga kandado ang mga pintuan sa likod ng mga Board of Canvassers, gayundin ang pagsasara sa lahat ng biktima ng Bulwagang Katipunan upang masiguro umano na walang magiging dayaan sa pagbibilangan.

Kinuwestiyon din ng grupo ni Asistio ang pag-upo ni Caloocan City Prosecutor Ramon Rodrigo na maging vice chair ng BoC dahil sa umano’y pagiging malapit nito kay Malonzo.

Sa kabilang banda, inaresto din kahapon si City Administrator Mamerto Manahan, matapos na makuhanan ito ng isang patalim sa loob mismo ng Bulwagang Katipunan makaraang makipagtalo kay Atty. Perez. (Ulat ni Gemma Amargo)

ASISTIO

BOARD OF CANVASSERS

BULWAGANG KATIPUNAN

CALOOCAN CITY

CITY ADMINISTRATOR MAMERTO MANAHAN

GEMMA AMARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with