Manero balik-Munti
May 17, 2001 | 12:00am
Dinala na sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa ang convicted priest-killer na si Norberto Manero Jr. kahapon ng umaga.
Dakong alas-7:20 ng umaga nang dumating sa Muntinlupa si Manero makaraang lumipad buhat sa Davao City dakong alas-7:20 ng umaga.
Lulan ng Cebu Pacific Airlines, si Manero ay ineskortan ni Davao Penal Colony prisons director Alfredo Gozon at dalawa pang jail officers.
Inamin ni Manero na minisled nila ang kanyang common-law-wife na si Julie Yee sa eksaktong araw at oras nang paglilipat upang hindi na magkaroon pa ng komosyon sa kanyang gagawing pagbibiyahe.
Magugunitang noong nakalipas na linggo inaprubahan ng Regional Trial Court Branch 38 ng Saranggani province ang paglilipat kay Manero buhat sa Dapecol patungo sa Muntinlupa dahil sa kakulangan ng testigo sa double murder cases na iniharap laban dito sa kasong pagpaslang sa magkapatid na sina Ali at Mamwabtan Mamalumpong noong 1977.
Ang paglilipat kay Manero ay may kinalaman din sa seguridad nito. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended