Bilangan sa Caloocan naantala na naman
May 16, 2001 | 12:00am
Hindi na naman natuloy ang bilangan ng balota sa Caloocan City.
Nabatid na dakong alas- 3:30 ng hapon nang magsimulang ipunin ang mga election returns, gayunman tumakbo ang oras at walang naganap na bilangan.
Nabatid na na-delay ang dapat sanay nasabing pagbibilang matapos na magkaroon ng pagpapalitan ng argumento at debate ang mga representante ng magkalabang grupo.
Napag-alaman na hiniling ng mga legal counsel ni Asistio sa pangunguna ni Atty. Gregorio Perez na lagyan ng mga kandado ang mga pintuan sa likod ng mga Board of Canvassers, gayundin ang pagsasara sa lahat ng biktima ng Bulwagang Katipunan upang masiguro umano na walang magiging dayaan sa pagbibilangan.
Kinuwestiyon din ng grupo ni Asistio ang pag-upo ni Caloocan City Prosecutor Ramon Rodrigo na maging vice chair ng BoC dahil sa umanoy pagiging malapit nito kay Malonzo.
Sa kabilang banda, inaresto din kahapon si City Administrator Mamerto Manahan, matapos na makuhanan ito ng isang patalim sa loob mismo ng Bulwagang Katipunan makaraang makipagtalo kay Atty. Perez. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am