Manzano nagsampa ng protesta

Nagsampa ng protesta si Makati Vice-Mayor Edu Manzano sa Comelec dahil sa umanoy malawak na dayaan sa nakalipas na eleksyon.

Si Manzano na tumatakbong mayor sa ilalim ng partido ng Lakas-NUCD-UMDP-Kampi ay nagtungo sa tanggapan ng Comelec para ipahinto ang canvassing na ginaganap sa Bgy. Valenzuela Sports Complex kahapon.

Sinabi ni Manzano na laganap ang dayaan noong eleksyon sa Makati sa pamamagitan ng bilihan ng mga boto at karamihan ay pawang mga flying voters. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments