^

Metro

Pekeng P 50.00 kumakalat sa Makati City

-
Kumakalat ang pekeng P50.00 na nakalakip sa mga leaflets ng dalawang kandidatong konsehal dito sa Makati City na inihagis ng dalawang hindi pa kilalang kababaihan na nakasakay ng taxi kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Insp. Florante Jose, hepe ng follow-up section na malaki ang kanilang hinala na may kinalaman sa eleksyon ngayong araw na ito ang pagkalat ng mga pekeng P 50.00 na nakalakip sa mga leaflets nina Erwin Binay at Ferdinand Eusebio na kapwa kandidatong konsehal .

Ayon sa mga nakatanggap ng pekeng pera na sina Rolando Ortiz, 50; Jose Sales, 35 at Alejandro Husgaya, 55 na pawang residente ng Metropolitan Avenue, Bgy. La Paz na dakong alas 4:00 ng madaling araw habang sila ay nagtitinda ay huminto sa kanilang harapan ang isang taxi.

Inihagis sa kanilang harapan ang mga leaflets nina Binay at Eusebio na may kalakip na pera.

Natuwa sila dahil nabigyan agad sila ng biyaya, subalit ng kanilang suriin napag-alaman nilang peke ito kaya naman agad nila itong ipinagbigay alam sa pulisya.

Nabatid na may kumakalat ding pekeng pera sa Bgy. Bangkal at Valenzuela na nagmula sa nasabing kandidato.

Ayon naman kina Binay at Eusebio na hindi sa kanila galing ang mga nasabing pekeng pera at hinala nila na ito ay kagagawan ng kanilang kalaban. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALEJANDRO HUSGAYA

AYON

BGY

BINAY

ERWIN BINAY

EUSEBIO

FERDINAND EUSEBIO

FLORANTE JOSE

JOSE SALES

LA PAZ

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with