^

Metro

Kasong double murder isinampa na sa 12 PAOCTF men at 9 sibilyan

-
Pormal na isinampa kahapon ng Department of Justice ang kasong double murder laban sa labing-dalawang miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at siyam na sibilyan, kabilang sina Jimmy Lopez at Alex Diloy kaugnay sa pagpatay kina PR man Salvador ‘Bubby’ Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito.

Sa 25-pahinang resolusyon na ipinalabas ng DOJ sa pangunguna nina State Prosecutor Reuben Carretas at Atty. Juan Jose Navera, ipinagharap ng nabanggit na kaso sina SPO4 Marino Soberano; SPO3’s Mauro Torres; Jose Escalante; Supt. Glenn Dumlao; Chief Inspector Vicente Arnando; SPO1 Mario Sarmiento; SPO1 William Redd; PO2 Thomas Sarmiento; SPO1 Ruperto Nemeno; Inspector Roberto Langcauon; SPO4 Benjamin Taladua; SPO1 Ronaldo Lacasandile; Crisostomo Purification; Renato Malabanan; Jovencio Malabanan; Margarito Cueno; Rommel Rollan; William Lopez at isang hindi nakikilalang lalaki sa Manila Regional Trial Court.

Matatandaan na sina Soberano at ang iba pang kasamahan nitong suspects ay namataan sa lugar na pinagtapunan sa bangkay nina Dacer at Corbito sa Maragondon, Cavite noong nakalipas na Nobyembre 24, 2000 ng ang mga ito ay dukutin sa South Superhighway.

Binanggit pa sa resolusyon na mayroong matibay na ebidensiya para ipagharap ng kasong double murder ang mga suspect. (Mga ulat nina Grace Amargo at Andi Garcia)

ALEX DILOY

ANDI GARCIA

BENJAMIN TALADUA

CHIEF INSPECTOR VICENTE ARNANDO

CRISOSTOMO PURIFICATION

DACER

DEPARTMENT OF JUSTICE

GLENN DUMLAO

GRACE AMARGO

INSPECTOR ROBERTO LANGCAUON

JIMMY LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with