^

Metro

Operasyon ng LRT nahinto sa tangkang pagtalon ng lola

-
Sandaling itinigil ang operasyon ng Light Railways Transit (LRT) patungo sa Monumento makaraang magtangkang mag-suicide ang isang lola sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa tren sa Tayuman Station sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Biglang nagpanik ang ilang naghihintay na pasahero sa paparating na tren sa naturang istasyon ng LRT dakong alas-8:15 ng umaga ng biglang tumalon ang biktima na nakilalang si Felicidad Ancheta, 56, ng Bambang St., Tondo Manila sa mismong gitna na dinadaanan ng LRT. Nagsigawan ang mga pasahero nang hindi pa rin tumitinag ang nasabing biktima kahit na nga mabilis ang pagdating ng tren.

Sa kabila ng paghina ng takbo nito matapos na makita ng operator ang nakaharang na lola ay bahagya pa ring nahagip ang biktima dahilan upang magtamo ito ng sugat sa ulo at katawan. Agad naman itong dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Base sa ulat, bago ang tangkang pagpapakamatay ng biktima ay napansin na ito ng mga security guard na balisa habang naghihintay nang pagdating ng tren.

Sinasabing may kinalaman sa tinataglay nitong diabetes na nagpapahirap ng labis sa katawan ang posibleng dahilan nang tangkang pagpapakamatay ng lola. (Ulat ni Ellen Fernando)

BAMBANG ST.

BIGLANG

CRUZ

ELLEN FERNANDO

FELICIDAD ANCHETA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LIGHT RAILWAYS TRANSIT

MAYNILA

TAYUMAN STATION

TONDO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with