Ito ang napagpasyahan kahapon ng anti-graft court ng 3rd Division ng Sandiganbayan sa kabila ng babala ng pulisya tungkol sa seguridad .
Ang mag-amang Estrada na napiit simula pa noong Abril 25 dahil sa corruption charges ay pansamantalang makakauwi sa kanilang home district sa San Juan sa araw ng eleksyon, gayunman ayon sa korte ang mga ito ay agad ding ibabalik sa kanilang piitan matapos na makaboto.
Ilang oras bago ang naturang kautusan ng korte, sinabi ni National Security Adviser Roilo Golez na nais nilang sa loob ng kulungan bumoto ang mag-ama para matiyak ang kaligtasan ng mga ito. Binanggit din nito na ang presensiya ni Erap sa San Juan ay maaaring maka-disrupt sa botohan sa San Juan.
Magugunitang inihayag din ni Comelec Commissioner Rex Borra na wala silang staff para magsagawa ng special vote sa detention center sa Laguna.
Samantala, sinabi naman ni PNP chief Director General Leandro Mendoza na nais din nilang sa detention cell na lamang magsagawa nang pagboto ang mag-amang Estrada sa seguridad na kadahilanan. (Mga ulat nina Grace Amargo at Jhay Mejias)