"Higit sa pormal na edukasyon, mas kailangan ngayon ang mga kaalaman sa teknolohiya", sinabi ni Belmonte kasunod nang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng may 18 grupo ng mga kabataan na nangakong magtutulungan para maitaas ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan sa lunsod at para makaiwas o maiwaksi ang ilegal na droga.
Sa papel, mayroon nang QC Technological University sa Quezon City, hanay sa dual tech education ng Alemanya, kung saan ang mga estudyante ay namamasukan bilang apprentice sa mga pabrika at kompanya upang matuto ng mga aktuwal na trabaho, kasunod nito ay ang pagkakaloob sa kanila ng sertipiko na nakumpleto nila ang mga aralin. Ito ay magagamit nila sa paghahanap ng matatag na trabaho.Ito ay mabibigyan niya ng katuparan kapag naging alkalde na siya sa Quezon City.
Aniya sa Europe, hindi gaanong pinapansin ang formal education sa ibat-ibang propesyon, bagkus ang hanap ng mga kompanya doon ay ang mga tapos ng vocational-technical schools.
Si SB, PPC’s leading mayoral bet sa Quezon City, ay nagsabing ang ganitong mga pagkakataon sa technological system ng education ang nais niyang ipagkaloob sa mga kabataang Pilipino.