^

Metro

Mark Jimenez sangkot sa vote buying, hiling na diskuwalipikahin

-
Hiniling ng isang incumbent Congresswoman sa Commission on Election (COMELEC) na idiskualipika si congressional candidate Mark Jimenez dahil sangkot umano ito sa vote buying.

Batay sa walong pahinang petisyon na inihain ni incumbent Congresswoman Rosenda Ocampo sa komisyon, hiniling nitong ipadiskuwalipika si Jimenez na kung saan ibinabatay nito ang petisyon sa Sec. 68 ng Omnibus Election Code na nagsasaad ng pagdiskualipika sa sinumang kandidatong mapapatunayang nagbibigay ng pera at iba pang material na bagay upang positibong maimpluwensiyahan ang kandidatura nito.

Ayon kay Ocampo ang nasabing petisyong inihain ay base sa testimonya ng 11 residente na nagpapatunay na si Jimenez ay nagbigay ng tig-P500 hanggang P1,000 sa mga residente kapalit umano ng mga boto ng mga ito.

Bukod sa pagmumudmod ng salapi nagkaloob pa rin umano si Jimenez ng mga plastic ng groceries na may tatak na "Mark to Win" na ipinamimigay ng mga tinatawag na "Mark Jimenez Angels".

Bukod dito, inaasahang aabot pa sa 138 ang nakahandang tumestigo upang patunayan ang nasabing paglabag sa Omnibus election code ni Jimenez. (Mga ulat nina Jhay Mejias at Andi Garcia)

ANDI GARCIA

AYON

BATAY

BUKOD

CONGRESSWOMAN ROSENDA OCAMPO

HINILING

JHAY MEJIAS

JIMENEZ

MARK JIMENEZ

MARK JIMENEZ ANGELS

OMNIBUS ELECTION CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with