^

Metro

16,000 pulis ikakalat sa Metro Manila sa araw ng halalan

-
Labing-anim na libong (16,000) mga tauhan ng Phil. National Police (PNP) ang nakatakdang ipakalat sa mga presinto sa Metro Manila, gayundin sa palibot ng Palasyo ng Malacañang kasabay nang pagtataas sa red alert status upang makatiyak na walang magaganap na madugong insidente sa pagdaraos ng lokal at nasyonal na halalan sa bansa sa darating na Mayo 14.

Ayon kay PNP Operations Chief, Director Edgardo Aglipay, nilalayon ng nasabing hakbang na matiyak ang maayos at mapayapang pagdaraos ng eleksyon sa Lunes at walang mangyaring anumang pananabotahe ng ilang grupong planong manggulo.

Sinabi ni Aglipay na ang 15,000 pulis ay magmumula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bicutan, samantalang ang natitirang 1,000 ay kukunin naman mula sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Ito umano ay base na rin sa kautusan ni PNP Chief Director General Leandro Mendoza na tiyaking mapayapa at maayos ang isasagawang eleksyon. (Ulat ni Joy Cantos)

AGLIPAY

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DIRECTOR EDGARDO AGLIPAY

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL HEADQUARTERS

NATIONAL POLICE

OPERATIONS CHIEF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with