Binata binoga ang bibig

Isang 19-anyos na binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbaril ng shotgun sa kanyang bibig kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Supt. Dionisio Borromeo, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division ang nasawi na si Ron Acedera ng Block 56, Phase 2 , Sabalo St., Dagat-Dagatan ng nabanggit na lunsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:05 ng madaling araw ng maganap ang pagpapatiwakal ng nasawi sa loob ng kanilang banyo.

Napag-alaman na nagkulong muna sa loob ng banyo si Acedera at makalipas ng ilang minuto ay nakarinig na lamang ng isang malakas na putok ng baril ang mga kamag-anak nito.

Kaagad na pinuntahan ni Jimmy, kapatid ng nasawi ang pinagmulan ng putok at doon nadiskubre ang duguang bangkay ni Acedera, habang nasa tabi pa nito ang shotgun na ginamit sa pagpapatiwakal. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments